Home

Advertisement

Customize
purletpunk
26 March 2009 @ 11:24 am

You Belong With Me by Taylor Swift


You're on the phone with your girlfriend, She's upset
She's going off about something that you said
She doesnt get your humour like I do

I'm in the room, its a typical Tuesday night
I'm listening to the kind of music she doesnt like
And she'll never know your story like I do

But she wears short skirts, I wear t-shirts
She's cheer captain and I'm on the bleachers
Dreaming bout the day when you'll wake up and find
That what you're lookin for has been here the whole time

If you could see that I'm the one who understands you
Been here all along so why can't you see?
You belong with me
You belong with me

Walkin the streets with you in your worn out jeans
I cant help thinking this is how it ought to be
Laughing on the park bench thinkin to myself
Hey isnt this easy?

And you've got a smile that could light up this whole town
I havent seen it in awhile, since she brought you down
You say you find I know you better than that
Hey, Whatcha doing with a girl like that?

She wears high heels, I wear sneakers
She's cheer captain and I'm on the bleachers
Dreaming bout the day when you'll wake up and find
That what you're looking for has been here the whole time

If you could see that I'm the one who understands you
Been here all along so why can't you see?
You belong with me

Standin by, waiting at your back door
All this time how could you not know that?
You belong with me
You belong with me

Oh I remember you driving to my house in the middle of the night
I'm the one who makes you laugh when you know you're about to cry
I know your favorite songs and you tell me about your dreams
I think I know where you belong. I think I know it's with me.

Can't you see that I'm the one who understand you?
Been here all along so why can't you see?
You belong with me

Standing by or waiting at your back door
All this time how could you not know that
You belong with me
You belong with me

Have you ever thought just maybe
You belong with me
You belong with me


wala lang. :))


 
 
purletpunk
08 February 2009 @ 10:21 am
salamat sa y!m. grabe. this is my happiest night in three weeks. "nakausap" ko ulit ang mga taong pinakanakakakilala sa akin. kahit hindi ko sila madalas nakakasama, nararamadan kong mahal nila ako. :) salamat friends. iba talaga effect niyo sakin. kita niyo, napasulat tuloy ako ng blog.

i really feel like... myself. alam kong wala akong tinatago kapag kayo ang kasama/kausap ko.

i love you friends. i love ym's computer call rin. :)

 
 
purletpunk
08 February 2009 @ 05:14 am

 
 
purletpunk
18 January 2009 @ 06:21 am

haha. hindi ko alam kung bakit naiisip ko na naman pagtatapat, gaya ng ginawa ko dati. binigla ko yung isang tao nung sabihin ko sa kanyang gusto ko siya. sinabi ko yun pagkatapos kong ipakita sa kanya yung pinaghirapan kong collage na puro mukha niya. haha. nakakatawa kaya yung reaksyon niya nun. dapat nga ipapakita ko sa kanya yung private multiply album ko, na puro mukha niya kaso sabi niya wala raw siyang multiply.. so ayun, ginawa kong collage tapos inupload ko sa isang file hosting site. nagIM ako sa kanya tapos binigay ko yung link nung picture. sa ym ako nagtapat. hahaha. at kahit ngayon hindi ko pa rin maisip kung bakit ko yun ginawa. kaya nga naguguluhan ako ngayon kasi nafifeel ko na namang ulitin siya. ayoko naman kasing malalaman mo na 'ginusto' kita, mas maganda yung malaman mong 'gusto' kita. wala kasing thrill pag tapos na.

pero matalino ka naman, hindi ako naniniwalang hindi mo pa alam. kung yung mga ibang tao nga napansin nila, at wala na akong ibang nagawa kundi aminin, ikaw pa kaya. pwede rin namang ayaw mo lang pansinin. o pwede ring ayaw mong maniwala. o pwede ring ayaw mo. [period!] ewan ko. kahit marami tayong napapag-uusapan, malamang hindi yun kasali di ba? haha. hindi naman ako makakaramdam ng ganito kung hindi ka iba eh. iba sa paraang maganda, hindi iba as in weird. unang pagkakaiba ay ikaw pa lang talaga yung naging inspirasyon ko. yung tipong pag inisip kita, mapapapaaral talaga ako. hindi yun sapilitan gaya dati na kelangan ko pang sabihin sa sarili ko na mag-aral para mapatunayang yung taong gusto ko ay inspirasyon at hindi sagabal. marami pang ibang pagkakaiba. hindi ka drummer, hindi ka artista, hindi ka gitarista, hindi ka gwapo, hindi ka cute, hindi ka kwela. ikaw na ang pinakanormal o pinakapayak o pinakasimple na nagustuhan ko. pero yung pinakagusto kong kinaiba mo ay yung totoo ka. masaya ako na lahat ng nakikita ko sayo ay totoo, na bahagi ka ng mundo ko. ibig kong sabihin, naaabot kita. nakakausap. nakikita.

nabanggit ko nga na pumapasok na naman sa isip ko yung pagtatapat, pero asa namang gawin ko yun. nasa katinuan pa naman ako. at kahit ngayon ko lang naramdaman yung ganitong nararamdaman ko, hindi pa ako handang ipahiya ang sarili ko. totoo nga siguro yung sabi nung mga baraha, na takot akong pumili. siguro ito na yung pagpipilian ako, kung sasabihin ko o hindi. kung tutuusin hindi naman kailangan eh, wala naman akong gustong mangyari. gusto ko ganito lang. baka kaya ko 'to sinulat para dito ko ituon yung naiisip kong pagtatatapat. o baka masyado lang kitang iniisip. ewan.

nalampasan ko na yung bahagi ng kakornihan. ganun naman parati pag nagkakagusto sa isang tao, bigla-bigla nagiging korni. tapos na ako dun. hindi na ganun kababaw yung nararamdaman ko para masabing "ikaw ang nagbibigay ng ngiti sa aking puso" o "sa araw-araw, ang nagpapabangon sa akin ay yung ideya na makikita kita ulit". pag binabalikan ko yung mga panahong nasabi ko yun habang iniisip kita, nandidiri ako. sa ngayon, ang dialog ko ay, "dahil sa'yo kakayanin ko ang pitong taon"

ilalagay ko 'to sa blog ko para pag nabasa mo, baka bigla mong mapagtanto na minsan kasi kahit hindi ka na lumingon, makikita mo yung hinahanap mo. nakakatawa lang isipin na kahit anong pilit kong tigilan, kung kailan mawawala na, saka ka naman nagbibigay ng rason para ipagpatuloy ko. parating ganun. sana sa susunod na pagkakataong sasabihin ko sa sarili kong "wag na", sayo na galing yung rason. ikaw mismo ang magpapakita sakin na wala namang patutunguhan yung nararamdaman ko.

basta babawiin kita. haha. nagseselos ako. kadiri.

sige, yun lang muna, gagawa pa ako ng chemlab report .

 
 
purletpunk
10 January 2009 @ 02:09 am
ayan na ang pamalit ko sa f*ck.

nakakainis. ang tanga ko. kahapon kasi pumunta ako sa makati shang mag-isa. umalis ako pagkatapos agad ng class so mga 5:30 nasa may glorietta na ako. nagpalibot-libot muna ako dun para magpalipas ng oras, hanggang tawagan ako ng mga friends ko na malapit na sila. mula dun sa part ng music one at powerbooks, pumunta ako sa kabilang side, sa may sm. nadaanan ko yung car show sa ground floor.

tapos ngayon, pumunta ako sa bloomfields forums, nakita kong 6pm kahapon tumugtug sila for the car show! dun mismo sa glorietta! nagpalibot-libot lang ako, sinayang ko ang pagkakataong mapanood ulit si rocky collado. waaaaaah. sad talaga. medyo late na nagstart yung debut.. sana nagstay muna ako sa glorietta at pinanood sila. kaso nga tanga ako, kaya hindi ko alam.

sad.







 
 
purletpunk
31 December 2008 @ 12:56 pm
happy new year! yey. buti hindi pa ako inaantok. ang sarap kaya matulog after kumain nang masarap. haha.

hinahamon ko ang taong 2009.. na pantayan ang lahat ng naidulot sa akin ng taong 2008. baka ako lang ang ganito ang pananaw pero parang 2008 yung pinakamabilis na taon.. kasi parang ang daming nangyari sa loob ng maikling panahon. siguro dahil sa transition from high school to college. nakakatuwa makakita ng pagbabago (for better) ng ibang tao pero mas nakakatuwa pag nakikita mo yung mga pagbabago sa sarili mo.

hinahamon ko ang taong 2009.. na ipakita sa akin yung mga "bagay" na hindi naipakita ng 2008.. mga rason na hindi napagtanto, mga tanong na hindi nasagot,  mga pangyayaring hindi naipaliwanag. umayos ka 2009. :)

hinahamon ko ang taong 2009.. ng bato bato pik! haha. sana maging masaya, makabuluhan (?), weird, makulit at hindi boring ang darating na taon.

hinahamon ko ang taong 2009.. na patirin ako. kasi hindi naman ako pwedeng bumangon kung hindi ako nadapa. :) sana turuan niya akong huwag sayangin ang bawat segundong ibibigay niya sa akin.

hinahamon ko ang taong 2009.. na magpapunta pa ng mas maraming bands dito sa Pilipinas. :) sana makit ko ulit ang MCR. haha.

ito ang favorite year ko. dapat. kasi ito ang year na magiginvg 17 ako.. 17 is my favorite number. haha. labo. pero "gagalingan" ko talaga ang year na ito [hindi lang 'to sa acads nag-aaply ha].

okay. ang bangag ko na. 2 AM na tapos ayoko pa matulog.
..uhmmm...

happy new year sa inyong lahat!!!! 


 
 
purletpunk
25 December 2008 @ 11:01 pm
satisfaction. oh yeah. :)

<object width="425" height="344"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/04GkRUzzQ44&hl=en&fs=1"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><param name="allowscriptaccess" value="always"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/04GkRUzzQ44&hl=en&fs=1" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>

 
 
purletpunk
24 December 2008 @ 11:47 pm
here's another video of the bloomfields (pero mostly si rocy lang) playing the song na nagpaskat sa kanila.. ale. :)


 
 
purletpunk
23 December 2008 @ 04:30 am

ang bagal magpost ng video sa multiply kaya sa youtube na lang ako nag-post. :))

 
 
purletpunk
18 December 2008 @ 07:12 am


week-end

i became as nerdy as i can be. nagkaroon ako ng bagong motivation sa pag-aaral. medyo naging effective siya, medyo lang kasi nanood pa rin ako ng hsm 2 sa disney channel at hindi ko agad tinapos yung bio hw. pero masipag na ako sa lagay na yun.

buong saturday, bio. sunday morning, math. sunday night, bio uli. tapos biglang ay nagtext na merong kom3 class ng 7 am. waah! nainis talaga ako kasi imbis na itutulog ko na lang, ipapasok ko pa sa kom. kamusta naman yun?

monday

good news, may chem lab! wala akong dalang lab gown at lab notebook at lab manual. may math class rin kaya talagang mas onti na ang oras kong mag-aral ng math. naghintay kami ng matagal para sa aming kom teacher na sobrang kinaiinisan ko (noon). dumating siya pero sarado parin yung classroom kasi wala pa rin yung person na magbubukas. nagspeech muna siya sa amin. humingi siya ng paumanhin para sa mga araw na hindi kami nagklase (tapos hindi niya kami nasabihan). ilang beses na rin yung pumasok kami, hada na magreport, dala ang lahat ng props.. tapos wala siya. nagulat ako nung naiiyak na siya. nagawa niyang ilahad sa amin ang isang maselang bahagi ng buhay niya, yung pagkakasakit ng kapatid niya. may cancer tapos nagmetastasize na sa buto. kaya siya parating wala kasi kailangan siya ng kapatid niya. nahiya ako. naisip kong ang close-minded ko nung naiinis ako sa kanya. di naman kami close pero naramdaman ko yung paghihirap niya dahil nakikita niyang nahihirapan yung kapatid niya. ang sama ng tingin ko sa sarili, kasi ang sama ko naman talaga. hanggang ngayon binabagabag pa rin ako ng konsiyensiya ko na nagalit ako sa kanya for no real reason.

no comment sa bio exam. medyo marami rin akong katangahan, pero ok naman siya. sana magpay-off yung ginawa kong pag-aaral.

matagal na break after ng bio bago mag chem lab. ni hindi man lang ako nakapagsagot ng isang dep-ex. habang walang ginagawa, nakipagkasundo ako sa 3 ko pang kaklase na dapat isang beses sa isang linggo ay makagawa kami ng akda (tula o maikling kwento). matagal na rin akong hindi nagsusulat. ang huli kong naisulat ng tula ay yung tulang ginamit ng maSKara nung magtanghal kami sa bantayog ng mga bayani nung 4th year. bali isa't kalahating taon na akong walang nasusulat na tula. sana kaya ko pa rin.

may chem lab. dapat. pero hindi dumating yung teacher namin hanggang walk-out time. masaya naman kasi nagkantahan kami (ang pampalipas oras ng block namin). tapos ang weird talaga kasi parang gusto kong manakit ng tao. sabi ko nga sa kanila "i feel violent" at naghahanap ako ng pwedeng punching bag. haha.

ayos naman yung math class. haha. ang cute talaga ni sir jobert.:)

tuesday

math exam na ang tagal rin bago nagsimula. lecheng signum yan. nakakainis talaga. wala na akong pag-asa maka-1.75 man lang. parang bumalik ako sa estado ko noon sa math 17, barely passing. akala ko pa naman iba na ngayon kasi naiintindihan ko na yung lesson. hindi ko yun naiintindihan nung pinag-aaralan ko sa pisay tapos ngayon gets ko na (or so i think) pero hindi pa rin sapat. haay. wala na akong magagawa kahit magrant ako ngayon kasi tapos na siya. ibinuhos ko na lag ang frustration ko sa pag eat-all-i-can. haha.

ang sarap ng mga pagkain. nakakaguilty lang kasi hindi ko na naubos yung huli kong kinuha.

tapos naging basura yung bio hw ko. haha.

pumunta ako ng rob kasama ang 2 tao para bumili ng gifts. at sucessful ako kasi nagustuhan ng mga binigyan ko yung gifts ko sa kanila.

then happiness, with bulette and kim.

umapaw sa tatlong k ang aming pagsasama: kulitan, kwentuhan, at KAIN (yan talaga yung pinakamahalaga).

wednesday = fun!

hello diliman! haha. where i belong. nung tumambay kami sa casaa, nakita namin si ramon bautista (palistuhan nescafe). tapos syempre ang dami ko uli nakitang pisay batchmates.

tapos surprise para sa bday girl sa may track oval.

tapos bonding with bandmates kim, bulette and ada (room 210) plus an honorary member. haha.

tapos sunken garden! grabe. nakakarelax humiga dun at pagmasdan ang mga ulap na mukhang painting. nafeel ko talagang i belong sa up diliman.

tapos giselle my labs!

tapos may kuyang intsik na lumapit samin at hinikayat kaming sumali sa IYF. nakakatuwa siya.

tapos alas-tres na.

lantern parade.

humiwalay na ako sa aking mga beloved friends para sumama sa parade with college of med. ang konti namin kasi halos puro LU1 at LU2 lang ang nandun taos ilang profs and admin. pero masaya kasi kahit onti kami, pinilit namin magcheer with all our hearts and souls.

ko-kolehiyo ng medisina (4x)
matatapang,matatalino walang takot kahit kanino
hindi hindi kami magnunursing
ganyan kaming mga taga-medicine

up 100, up 100
up med 103! up med 103!

a lalalala med! woo!

atbp. kahit nakakapagod, sobrang nagenjoy ako kasi nakita ko ang MGA high school crushes ko, pati yung upper year na nung 2ndyr ko pa huling nakita. grabe, gwapo pa rin siya.

pagtapos ng parade, andun lang kami sa may gilid ng univ ave, dapat manonood ng fireworks display until nagdecide nang umuwi ang mga tao. bago umuwi, sinindihan muna namin yung mga sparklers na dapat nung parade pero hindi nasindihan.

tapos uwian na.

tulog.

----------

hindi na ako masyadong affected ngayon. siguro nasanay na lang ako na either yung crush ko yung heartthrob o may crush siya sa isang heartthrob. makakalimutan ko rin yun/siya over the vacation kasi hindi ko siya makikita.

----------

friends, salamat talaga for making my day super happy. hindi ko makakalimutan yun. hindi ko alam kung kelan ko kayo ulit makakabonding nang ganun katagal pero sana mas madalas natin yun magawa. malay niyo isang araw bigla na lang uli ako sumulpot sa diliman at hindi na bumalik sa upm. haha. :)

mahal na mahal ko kayo. alam niyo yun.

----------

waah. mamimiss ko ang nails ko. ginupit ko siya kanina kasi kelangan ko maglaba. pero tinira kong mahaba yung sa left index finger para pag nag-gigitara ako hindi na ako gagamit ng pick.

----------

national anthem ko na talaga ang decode. hindi ko yun favorite song. at hindi rin ako twilight fan. pinapanood ko yung araw-araw kasi yun yung music video ng paramore na pinakamaganda at pinaka-amazing si hayley williams. yeah, she turned me into a lesbian. pero pramis, amazing talaga siya. haha.

----------

nakakatawa naman ang vacation ko. kasi kasama sa mga things-to-do ko ang mag-aral. may mga exams kasi kami pagresume ng classes kaya kahit bakasyon, hindi ako pwede magsayang ng oras.

----------

MCR! ang astig ng website nila dahil sa twitter. nakakapagpost sila ng maraming blg entries na tungkol lang sa kahit ano. gumagawa na sila ng kanilang "last album" daw (wag naman sana). pero matanda na kasi sila eh, si gerard way 32 na sa summer. sana bumalik sila dito at sana by the time na magconcert sila rito, nakaipon na ako ng pera pambili ng ticket sa VIP section. haha. lakas mangarap.

----------

the word "nainis" has many english translations, but for this particular instance, i'd prefer "offended". i was offended when you said that you'd rather go home by yourself. maybe it was my fault, because i offended you first by saying that i am braver than you are. i didn't mean it that way. all i wanted to say was there's nothing to be afraid of. i am sorry if i have offended you. i didn't take the "alternative" route home for the sake of taking it. i just didn't want you to go home alone. that't wahtfriends do, righ? ti think you're insensitive. you could have told me the "hey, it's okay. i can go home alone. i know the way." statement in a subtler manner. why did you have to ask why? i mean, isn't it obvious that i was simply concerned about you? if i was not offended, i would have had dinner with you. luckily, i met one of my best friends when i rode the jeepney home. we had fun window shopping.. so after all, i have something to thank you for. :)

okay.. must stop now, before you deduce anything that was not supposed to be said in this message.

ayan. napa-english ako kaya ibig sabihin nainis talaga ako. haha.

----------

ang haba. halatang wala akong magawa.


babay.

 
 
purletpunk
06 December 2008 @ 07:35 am

pumunta ako sa pisay kanina, para manood ng play ng maSkara/Sindi-Katok.
nung malapit na ako sa pisay, hindi ko alam kung ano ang ieexpect ko, pero basta ang una akong naansin ay yung bagong pintura ng ombudsman. wala lang. pagpasok ko diretso na ako sa gitna ng field, kung saan sila magpeperform.o di ba? bongga! isang straight play sa gitna ng field. pagdating ko nakapalibot ng yung mga tao sa isang napakalaking chessboard (bawat square sa chessborad ay kasing laki ng isang cartolina. yung play nila ay entitled Qui Bono. kahit nung nasa SK pa ako, pangarap na namin maitanghal yung Qui Bono kasi standard na siya. dapat parating may ganun. pero kaya siya nagiging pangarap na lang para sa mga dumaang batches ng katok (members) ay dahil mahirap siyang gawin. bali ang kwento nun ay isang chess game. pero ang mga chess pieces ay tao, may damdamin, nagsasalita, pumapatay, nanlilinlang, lumalandi, nagpapapansin, umiiyak, gumaganti, nanliligaw, nagyayabang, atbp. so syempre sa chess,black vs white pero marami pa yung sub-plots. bawat chess piece may personality. pero yun nga, chess game siya. so may mga nagsasabi pa rin ng "white knight to e5" mga ganyan. tapos gagalaw yung chess piece sabay arte. pinipilit ko siya idescribe as vividly as possible kasi gusto ko pag binalikan ko ang blog entry na ito, maalala ko yung mga napanood ko kanina. gaya nga ng nasabi ko,pangarap namin na makapagtanghal ng Qui Bono kaya sobrang halaga nun para sa akin, na isa nang alukatok. nostalgic. grabe. hindi naman yun yung first time ko pumunta sa pisay pagkatapos ng grad, pero pag pumupunta kasi ako madalas tapos na ang klase at wala nang tao. iba kanina, kasi school fair. kahit karamihan sa mga nakita ko ay hindi ko kilala, ang mahalaga nakasama ko ulit yung mga katok. :) sobrang na-miss ko talaga ang pag-arte. ngayon, nagagawa ko na lang umarte kapag may gusto akong itago ng emosyon, o kaya pag naisip ko biglang mang-trip ng ibang tao at lokohin na galit ako sa kanila. hanggang dun na lang. hindi kagaya nung high school na napakalaking parte ng buhay ko ang pag-arte, at pagtuturo nito sa mga magiging katok (batok = applicant). namiss ko talaga yung pag workshops. may certain hype ako nararamdaman pag umaarte ako. minsan hindi ko na iniisip masyado yung ginagawa ko, hinahayaan ko na lang yung talento ko na ihayag yung kung anong gusto kong masabi at mapakita. nostalgic rin siya dahil nakita ko ulit yung mga ka-batch kong naging katok. sila yung mga kasama kong napagsasarhan na ng caf kasi ayaw tumigil sa daldalan, mga kasama kong magcram ng play sa loob ng isang araw. mga kasama kong naging batok na tinuruan/inalipin ng mga katok na nauna sa amin. naranasan ko uli yung mga "rituals" ng club namin. grabe. kahit na ang layo ng pisay mula rito sa tondo, super worth it naman yung napanood ko kanina. i am so proud to be a katok. oh well, hindi naman kasi active yung theatre club sa upm, nakalimutan ko na nga pangalan nila eh. pero kung sakaling active man sila, hindi pa rin pwede kasi malamang wala na akong time. ang point ko lang, napakahusay talaga ng SK at super namiss kong umarte.

tapos may nakita rin akong batchmates. tapos nakita ko yung crush ko nung first year, at nung 2nd-3rd year, at nung first part ng fourth year. :D alam niyo kung sino kayo. haha. ang "cute" pa rin ni 2nd-3rd yr crush. may nakita rin akong ilang teachers. si mam R na adviser ng SK ngayon ay seksi pa rin, magaling pa umarte. si sir mardan artistahin pa rin.

sana mabigyan ulit ako ng chance na umarte paminsan-minsan, kahit mga classroom play lang and stuff masaya na ako. or pag doktor na ako, hahanap pa rin ako ng oras para maging magaling na theatre actress. ayoko maging artista (as in yung sa showbiz) kasi magulo yun. kuntento na ako na makapagperform sa CCP as a pro, kahit extra lang ako sa play. sa ngayon, pangarap na lang muna ang mga yan. kailangan ko ibigay ang 110% ko sa pag-aaral para maging doktor. wala pa kasi ako nung "epiphanic moment" na masasabi kong "oh shit, gusto ko na talaga maging doktor. i'm a doctor, or nothing at all" mga tipong ganun. sana nga dumating na rin ang moment na yun.

 
 
purletpunk
06 December 2008 @ 07:35 am

nawala na ang cellphone ko. sorry sa mga nagtext mula nung thursday. after ng PE class namin siya nawala. nakakalungkot talaga kasi ang tanga ko. ginamit ko pa siya nung PE class tapos hindi ko na namalayan kung saan ko nailagay. nalaman ko lang na wala na siya 1 hour after ng dismissal namin. grabe. ang laki talaga ng problemang yun kasi panglimang cellphone ko na yun na nawala nula high school. tapos wala pa siyang 2months sa akin. grabe talaga. ang tanga ko. wag niyo na lang intindihin pag may nagtext sa inyo gamit ang number ko, kasi malamang hindi na sa akin galing yun. tapos lahat ng mga teachers, org heads etc ay dun nagtitext (kasi blockhead ako). haay. hindi ko alam kung paano kokonsiyensyahin yung taong kumuha nun para naman ibalik niya. kailangan ko talaga yun.

eto na siguro ang week na pinaka-emotionallly unstable ako. napakaraming nangyari. may mga masasaya, may malulungkot, may nakakainis (gaya ng pagkawala ng cellphone ko), may nakakagulat gaya ng pagkasunog ng PH building, may nakakakilig (haha), at maraming nakakaiyak. stress na sa acads, stress pa sa things other than acads. waaah. at kung may isang salitang maglalarawan ng week na ito, yun ay ang salitang "grabe". grabe talaga.

buti na lang mababait yung mga nakakasama kong mga tao, natatagalan pa nila ako.

mahirap rin pala yung pipilitin mong maging malakas para sa iba kasi minsan sa sobrang pagkukunwari mong maging malakas, lalong lumalalim yung kung ano mang kahinaan mo. advantage nga yung marunong akong umarte, nakakaya kong ipakita kahit yung pinaka-kabaligtaran ng nararamdaman ko. pero siyempre hindi ko pa rin maloloko yung sarili ko, at pag natauhan na ako.. nako, disastrous.

sabi sakin ng isang kaibigan,"May mga ginagawa si God na hindi man niya ibigay sa time na gusto mo, ibibigay niya sa time that would make sense." siguro nasa akin na lang kung hahanapin ko pa yung "sense" na yun o panghahawakan ko na lang yung paniniwala kong hindi Niya ako pababayaan. :)

 

 
 
purletpunk
09 November 2008 @ 12:59 pm

to my previously posted wish list of MCR merch. haha.

 

the "Plague" hoodie

(designs of mikey way, bob bryar, ray toro, and frank iero)

(gerard way's design)

Day of the Dead Masks

(designed by the band members)

 
 
purletpunk
24 October 2008 @ 05:34 pm
bumalik na naman ako sa pagiging smallville freak. haha. hindi ako natulog kasi hinintay kong matapos yung pagdownload sa torrent ng s08e06. grabe. ilang bese na akong humiga, pero may something na pumipilit sakin na bumangon at tingnan kung ilang percent na. my fan self. so i had to find ways to spend my time... habang hinihintay ko matapos [as of now 97.8% na siya].. halimbawa na nga ay ang blog entry na ito. ayoko naaaaaaaaaaaa. bangag na ako. haha.


 
 
purletpunk
22 October 2008 @ 10:01 am
SINO KAYA ANG MAY BIRTHDAY?????

hulaan mo...

Eto ang ilang stolen shots...


diba.. sobrang sikat niya mahal ang talent fee ng photo shoot.. buti na lang there are some people who can afford... kaya eto...




Ready na kayo manghula? Here are the clues..

Clue #1: Hindi siya kumakain ng gulay..



Clue #2: Siya ay mula sa Cotabato.

Clue #3: Mayroon siyang sikat na loveteam.

[AS IN SIKAT. kaya nga ang daming paparazzi ang gustong makakuha ng pics nila.. gaya nito..]




Sirit na????

Walang iba kundi ang math-emperor-na-nerd-na-may-social-life-na-ngayon-pero-nerd-pa-rin-at-least-may-loveteam-na-kinakusap-niya-in-chinese... si...








Tristan Marvin Z. Uy

[i needed to put the whole name.. gustong-gusto niya kasi yung pangalan niya..]

happy birthday!











 
 
purletpunk
15 October 2008 @ 09:48 pm
it's been so long since i have posted a "serious" blog entry.. i always seem to say this everytime i blog because most of my entries are just MCR-related.

so yesterday, i've been to a point where i had to tell myself to stop crying, but i couldn't. after that really unfortunate event, i went home with my blockmate mae. i kept on  ranting about how i could have had this grade, because i really prepared for the finals. i even practiced explaining, in front of the mirror, so that i know how i look and that i would look "intelligent". i deprived myself of sleep, i stopped playing SIMS 2, i went to study groups, all for the reason that i was so determined to give the philo finals my best shot. after all, it was the only time i took the subject seriously. not once did i curse that subject, i even thought of dropping it. the point is, i felt soooooo bad. i was irritated, disappointed, really pissed off. i had to hide it until i got home. i didn't want my classmates to see me cry just because of that. i went straightly to my room, locked the door and cried. for the loss of a more descriptive word, i have to say "humagulgol ako". i couldn't tell the whole story because some people haven't taken the finals, yet.  

like i have said during our last meeting in philo, you only have yourself to blame each and every time you fail. also, one of the things i have learned from MCR is that someday, i'm gonna be alone, having only myself to lean on.. so i would have to learn how to be less dependent. i shouldn't have depended on the list of topics given by my classmates, it was INCOMPLETE. i guess you already have a hint why i didn't get i grade i prepared for.

i have this tendency to blame myself every single time i have a misfortune.. like if i lost something that is really important to me, or i missed my favorite show, or when things are going so bad i would just want the ground to open and swallow me whole. i always believe that God is punishing me because of my "sins", so He sends the air of misfortune to topple down the house of cards that i built. last night, i looked deeper into myself to see what "sin" might have caused my misfortune and i realized that i have a lot to be punished for. it was a kind of relief because at least i have made up an answer to the question "why?"..why all these things are happening to me. simply put, i believe in karma.. and it wasn't enough to console me.. so this blog entry comes in.

see? i'm even incoherent. maybe i'm still feeling bad. i just hope that what happened to me woudn't happen to any other person. my last piece of advice would be:

STUDY EVERYTHING. specially those topics not included in the pointers for review.

*nosebleed* grabe, english yun ah.:))

 
 
purletpunk
21 September 2008 @ 10:16 am
 
 
purletpunk
21 September 2008 @ 10:16 am

 
 
purletpunk
31 August 2008 @ 06:41 am
ito ang mga gutso kong bilhin na MCR merch.. kaso wala nito nung pumunta sila sa Pilipinas. at wala naman akong credit card para makabili sa MCR Online Store.  kaya eto na lang.. kung sakaling may magmagandang-loob na pagbigyan ang aking kahilingan.. eto sila.



the "I Destroy You" shirt





the "Coffin" shirt


the "Le Fleur" shirt




the "Nuclear" hoodie




the "Piper" shirt

wala lang. nahahalata na naman ang pag-aadik ko. kahit ang dami kong kelangan gawin, nakuha ko pang magpost ng mga ganito.

good luck na lang sa akin.

babay.

 
 
purletpunk
31 August 2008 @ 06:23 am
Yeah, obviously we use vampires as a metaphor for something else, something deeper than just the supernatural. But there's just something about the bloodsucking walking dead, that can say so much to people. There are really so many people trying to get control over you on a daily basis and steal your soul in some way, take a part of you...


ahaha. sosyal. :D

 
 
 
 

Advertisement

Customize